Usap-usapan ngayon ang pag-flex ng aktor na si Diego Loyzaga sa isang baby habang kalong-kalong ito.

"The best birthday gift ever," caption dito ni Diego.

Batay sa comment section, maraming nagpaabot ng pagbati para kay Diego. Mukhang ito raw ay anak ng aktor batay sa mga kumakalat na tsika.

Sa ulat kasi ng isang pahayagan, Abril pa lamang daw nang mabalitaan ng kanilang source na buntis na ang jowa ni Diego na isang non-showbiz personality, at kasa-kasama raw niya ito sa Australia.

‘Immortal love?’ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary

Bumalik sa Pilipinas si Diego bandang Mayo para sa pelikulang "Will You Be My Ex" na pagbibidahan nila ni Julia Barretto, ngunit kahit sa Hunyo 21 na raw ang pagpapalabas nito sa mga sinehan, bumalik ng Australia si Diego dahil manganganak na raw ang kaniyang jowa.

At ngayong Hunyo 8 nga, makikita sa verified Facebook account ni Diego ang litrato kasama ang isang baby.

Sa kaniyang Instagram post naman, bumaha rin ng pagbati para sa kaniya mula sa mga kasamahan sa showbiz, lalo na sa dating misis ng kaniyang ama na si Sunshine Cruz.

Soon ay irereveal na rin siguro ni Diego ang tungkol dito, sa media conference ng kanilang pelikula. Sa ngayon, wala pang kumpirmasyon mula sa kaniya, o maging sa mga magulang na sina Teresa Loyzaga at Cesar Montano, tungkol sa sanggol na ito.