Umani ng iba't ibang reaksiyon at komento ang Facebook post ng komedyanteng si Kakai Bautista, patungkol sa "lalaki at pera."

Ayon kay Kakai, hindi naman mawawala sa kaniya na paminsan ay nais din niyang "lumandi" at mamansin ng lalaki.

"Minsan gusto din talagang lumandi at (mamansin) ng lalake pero kapag naiisip ko yung mga bayarin, gusto ko pang ma-achieve para sa sarili ko, NAGIGISING ako sa KATOTOHANANG di ko kailangan ng LALAKE para sumaya."

"KAILANGAN ko PERA," aniya.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

May pa-disclaimer na kaagad si Kakai para sa mga netizen na hindi sasang-ayon sa kaniyang sinabi.

"Bawal dito mga di kayang mabuhay walang LALAKI."

"Papait kayo sa mga statements ko. 💯"

"Nakakatawa yung mga comments na dapat 'kaya kang buhayin' or 'wag na na kung di ikaw ang bubuhay.'"

"HINDI KO YUNG HAHAYAANG MANGYARE SA AKIN. Kase di ako kailangang buhayin ng LALAKE. Una AYOKO. Kailangan mas mayaman ako sa kaniya. Pangalawa kung mag-aasawa ako, hindi ko kailangang maging dependent sa pera nya. NO.

Yuck for that mindset.🤣"

"At hindi ako makikipagrelasyon sa WALANG PERA. Periodt."

Sa isa pang Facebook post ay nilinaw pa ni Kakai ang kaniyang naging pahayag.

"Don’t get me wrong, naniniwala (pa rin) ako sa Wagas na Pag-ibig. Di na nga lang ako niniwala na kaya kang buhayin ng PAG-IBIG lang. Both men and women should be financially independent and stable before going into a serious relationship or marriage. BAKIT?"

"Napakapangit pag-awayan ang wala kang ipapangdate, igagastos sa kasal, ipapakain sa mga anak mo, ipapang-aral at ipapang-ospital kung may magkasakit."

"Lalo na ang mga kababaihan. Kailangan financially independent. BAKIT? Kase laging kawawa ang babae sa hiwalayan lalo na kapag wala syang sariling pera."

"Mental, Emotional, Physical and Financial Stability is the KEY to a HAPPY inter-personal relationships whether it is ROMANTIC or PLATONIC.❤️"

"So, PagHANDAAN mo ang TUNAY NA PAG-IBIG!"