Windang na windang ang mga netizen sa maiinit na eksena nina Kapamilya star Joshua Garcia at Kapuso star Gabbi Garcia sa seryeng "Unbreak My Heart" na napapanood na tuwing gabi sa GMA Network at ilang selected platforms ng ABS-CBN.

Sa ilang maaalab na eksena nila, hindi lang trademark na "higop" na halik ang ginawa ni Joshua kundi halos "mukbangin" na raw niya si Gabbi Garcia, dahil hanggang sa leeg at balikat nito ay nakarating na ang mga labi ng aktor.

Bagay na naitampok naman sa Facebook page na "Kapamilya Online World" o KOW.

"Huy grabe ka na talaga Joshua Garcia!!! Sabi niya tuturuan ka niyang magmasa hindi yung siya ang mamasahin mo!!!! Hoyyyy," ayon sa caption.

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

Sigaw naman ng mga netizen, sana raw ay may itinira pa si Joshua sa tunay na jowa ni Gabbi na si Kapuso actor Khalil Ramos.

"Grabe ka na Juswaaaaa"

"Minukbang si Gabbi hahaha."

"I can't take it anymore!"

"Vivamax na ba ito?"

"Omg omg di lang higod may sayad pa ng labi sa leeg. Ang swerte mo Gabbi..."

"Buti na lang naiintindihan ko na part lang ng work mo 'yan loveeeee..."

"Puwede na sa Vivamax si Joshua hahahaha."

Matatandaang noong lumabas ang trailer ng serye ay pinag-usapan din ang "higupan" scene nila ni Gabbi, ngunit hindi nakahuma ang mga netizen dahil may mas lalala pa pala rito.

MAKI-BALITA: ‘May pabakat din!’ Gabbi, di nakaligtas sa kamandag ng higop ni Joshua

Bukod kay Gabbi, "hinigop" din ni Joshua ang premyadong Kapamilya star at award-winning actress na si Jodi Sta. Maria na bahagi rin ng show.

MAKI-BALITA: ‘Matapos kina Janella, Jane!’ Joshua, hinigop si Jodi