May bagong "Totoy Mola" na sa katauhan ng Vivamax actor na si Benz Sangalang na posibleng mapanood ngayong 2023.

Ang naturang sexy comedy movie ay nakakabit na sa sexy-dramatic actor na si Jay Manalo produced by VIVA Films noong 1997, at ngayong 2023, si Benz na nga ang kaniyang "successor."

Ayon sa ulat ng PEP, sumalang na nga si Sangalang sa shooting ng pelikula, na hindi pa kumpirmado kung sa mga sinehan ipalalabas o sa Vivamax.

Nagulat daw si Benz na sa kaniya ipinagkatiwala ang iconic movie ni Jay, na magkakaroon din ng partisipasyon sa naturang remake.

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

"Totoy Mola" ang taguri sa mga kelot na "daks" o malalaking pag-aari. Pamilyar naman daw si Benz na may ganitong pelikula subalit bata pa raw siya noon.

Bilang paghahanda, pinapanood daw sa kaniya ni Bossing Vic Del Rosario ang lumang Totoy Mola; naging regular na rin ang pagtungo niya sa gym para mas mapalaki pa ang kaniyang katawan.

Well, in fairness ay mukhang may karapatan naman si Benz na tawaging Totoy Mola v. 2023 dahil talaga namang nagpapasiklab sa mga bebot at beks ang kaniyang mga pelikula sa Vivamax!