"Bukod kang pinagpala sa baklang lahat."

Talagang hindi rin pakakabog si Juliana Segovia sa kaniyang look sa ginanap na grand "sagayla" sa Malabon kamakailan.

"I'm your tooth fairy of Grand Bulaklakan in Malabon last night," saad ni Juliana sa kaniyang Facebook post noong Hunyo 5.

Bukod dito, pinasalamatan din niya ang mga tumulong sa kaniya mula sa gown hanggang sa kaniyang pabangong ginamit.

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

Pinasalamatan din niya si Senador Imee Marcos at direktor na si Darryl Yap sa pagkunsinti at pagsuporta sa kaniya.

"And syempre thank you to Senator Imee R. Marcos and Direk Darryl Yap sa pagkunsinti at suporta sa paglalaro ko ng ganda gandahan," aniya.

"This is your Queen J saying 'sa lahat ng nagandahan sakin, salamat, sa lahat ng hindi, mamatay ka sa inggit'"

Umani ng iba't ibang reaksyon mula sa netizens ang naturang post ni Juliana.

screenshot mula sa FB post ni Juliana Segovia