Sa kainitan ng tsikang mapapabilang daw ang dating "It's Showtime" host at ngayon ay Kapuso host na si Kuya Kim Atienza sa bagong bihis na "Eat Bulaga," nagkita-kita sila ng dating co-hosts sa naunang nabanggit na noontime show na sina Eric "Eruption" Tai at dating "Tropang LOL" host Billy Crawford.

Makikita sa mga litrato na kumakain sila sa "Locavore" ngunit hindi tukoy kung saang branch.

Witty ang caption dito ni Kuya Kim.

"Eats Chowtime," aniya sa Instagram post.

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

Pati ang kaibigang si ABS-CBN news anchor Karen Davila ay nagkomento rito ng "Hahaha! Witty caption ha."

Narito naman ang ilan sa mga reaksiyon at komento mula sa netizens.

"Balik na kayo sa Showtime para mas kompleto ang saya!"

"Tanggapin man ni Kuya Kim ang offer Eat Bulaga labas tayo dun! Trabaho yan at lahat tayo meron pangangailangan! Sa panahon ngayon dapat wag balat-sibuyas! Mahirap ang pera at mahirap kumita kaya dapat palaban ka at dedma sa mga bashers!"

"Kinabahan ako nang slight sa caption hahaha."

Samantala, naglabas na ng opisyal na pahayag ang talent manager ni Kuya Kim na si Noel Ferrer, na hindi kabilang sa bagong hosts si Kuya Kim Atienza dahil sa conflict of schedule nito sa hino-host na "TikToClock."

MAKI-BALITA: Manager ni Kuya Kim, sinagot kung kasama ba ang alaga sa bagong Eat Bulaga