Nagsalita na si Pambansang Bae at tinaguriang "Asia's Multimedia Star" na si Alden Richards kung may kinalaman ba sa "bagong Eat Bulaga" ang kaniyang cryptic emoji na ibinahagi sa Instagram story, na nagkataon pang sa mismong araw ng pagbabalik sa ere nang live ng naturang noontime show.

Si Alden ay isa sa mga naging host ng "dating Eat Bulaga" at alam naman ng lahat na malaking-malaki ang naging epekto nito sa kaniyang showbiz career, lalo na't sumikat nang husto ang tambalan nila ni Maine Mendoza na "AlDub" dahil sa Kalyeserye.

Ayon sa mismong panayam ni TV5 showbiz correspondent MJ Marfori, itinanggi ni Alden na may kinalaman sa EB ang makahulugang emoji na nabahiran umano ng intriga ng netizens.

"May pinagdaraanan lang na personal pero small things lang naman. Nothing that I can't handle," sey ni Alden.

National

Painting ni Amorsolo sa private museum sa NegOcc, ninakaw!

"Hindi siya professional-related?" sundot na tanong ni MJ.

"Yes, no, no, no, it's not," mabilis na paglilinaw ni Alden.

"Hindi 'to sa Eat Bulaga?" mas direktang tanong ng showbiz reporter.

"No, of course not!" nakangiting sagot ni Alden.

Sa dulo ng video ay nagbigay si Alden ng mensahe sa TVJ.

“To the TVJ, know that kahit ano pa man po ang mangyari, my loyalty ‘yong sarili ko is for them regardless. I’m always looking back do'n sa mga taong nakatulong sa’kin nang malaki, and I think I have the right to defend that, and that’s my stand, because malaki po utang na loob ko sa kanila and my support for them will go until the end of times."

Nakapanayam ni MJ si Alden sa red carpet premier ng "Extraction 2."

MAKI-BALITA: Emoji ni Alden Richards sa IG story, inintriga