Asahang mas tataas pa ang jackpot prize ng Ultra Lotto 6/58 matapos hindi mapanalunan ang ₱213 milyong premyo nito sa huling bola ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Martes ng gabi, Hunyo 6.
Sa inilabas na draw results ng ahensya, walang nakahula sa winning numbers ng Ultra Lotto na 08-30-14-09-54-39 na may kaakibat na ₱213,655,369.60. Gayunman, may 13 lucky bettors naman ang nanalo ng ₱120,000 bilang second prize.
Samantala, wala ring nanalo sa Super Lotto 6/49 na may winning combination na 44-35-43-11-18-14 at may premyong ₱15,840,000 habang ang ₱5,940,000 ng Lotto 6/42 ay hindi rin napanalunan.
Eleksyon
Manny Pacquiao, binati mga nangunang senador: ‘Nawa’y maging tapat ang inyong paglilingkod’
Kaya asahan na mas tataas pa ang mga papremyo ng mga lotto game.
Ang Ultra Lotto 6/58 ay binobola tuwing Martes, Biyernes, at Linggo habang ang Super Lotto 6/49 ay tuwing Martes, Huwebes, at Linggo at ang Lotto 6/42 ay kada Martes, Huwebes, at Sabado.