Hindi pa umano final o "done deal" ang usap-usapang posibilidad na paglipat ng Tito, Vic and Joey (TVJ) at iba pang nagbitiw at sumunod sa kanilang original Eat Bulaga/Dabarkads hosts.

Noong Linggo, Hunyo 4, naging usap-usapan na naman ang "word play" ni Henyo master Joey De Leon tungkol sa kanilang break; at sa dulo ng caption ay may nakalagay na "Take FIVE!"

"Sabi ko noon, we are not signing off, we are just taking a day-off. In other words, pahinga muna. In (English), TAKE FIVE!," caption ni Joey kalakip ang litrato nila ng TVJ sa IG post.

MAKI-BALITA: Joey De Leon, nagpahiwatig na lilipat na sila ng TVJ sa TV5?

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Ayon sa panayam ng PEP kay Titosen, hindi pa sila nakakapagdesisyon kung saang TV network sila lilipat dahil may offer din sa kanila ang iba pang TV networks, na hindi na nila binanggit.

Bago pa ang tuluyan nilang paglisan sa Eat Bulaga, matunog ang usap-usapang bukod sa TV5, may alok din umano sa kanila ang NET25 lalo na't may kani-kaniya na silang show doon.

Nagpahayag din ng interes ang PTV Network na isang government-owned TV station.

Wala namang balitang nais silang kunin ng ALLTV, ang bagong tayong Villar-owned network kung saan naroon ang dati nilang Dabarkads na si Toni Gonzaga.

Ngunit anumang network daw ang paglipatan nila, masisiguro ni Titosen na sa noontime slot sila mapupunta.

Sa isyu naman na kung sakaling sa TV5 nga sila mapadpad, tikom ang bibig ng dating senate president tungkol naman sa kapalaran ng kanilang karibal na "It's Showtime" na umeere dito ng 12:00 noon kapalit ng na-defunct na "Tropang LOL" ng Brightlight Productions.