Ganap nang bagyo na pinangalanang "Chedeng" ang low pressure area (LPA) na namataan sa silangang bahagi ng Eastern Visayas, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Martes, Hunyo 6.

Sa tala ng PAGASA nitong 11:00 ng umaga, huling nakita ang mata ng Tropical Deptression 1,170 kilometro ang layo sa silangan ng Southeastern Luzon na may maximum sustained winds na 45 kilometer per hour at pagbugsong 55 kilometer per hour.

“Tropical Depression CHEDENG is forecast to remain far from the Philippine landmass,” anang PAGASA.

“As such, it is unlikely to directly bring heavy rainfall over any portion of the country in the next 3 to 5 days,” dagdag nito.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Wala pa ring naitalang Tropical Cyclone Wind Signal ang PAGASA na dulot ng nasabing bagyo.