Ibinahagi ng isa sa mga bagong host ng longest-running noontime show at nagbabalik-live telecast na "Eat Bulaga" na si Alexa Miro ang litrato ng pagdaraos ng misa sa mismong studio nila, sa pamamagitan ng kaniyang Instagram story.

Makikita sa IG story ni Alexa ang litrato ng dalawang pari habang tila naghohomily ang isa rito, sa kanilang studio. Sa likod ay makikita sa dalawang malaking monitors ang logo ng EB.

"Salamat po, Panginoon," caption dito ni Alexa.

Screengrab mula sa

National

PBBM admin, nagsisilbing ‘totoong kalamidad’ sa ‘Pinas – Maza

Hindi naman tiyak kung bago o pagkatapos ba ng pag-ere ng Eat Bulaga naganap ang misa.

Nagbahagi rin si Alexa ng iba't ibang clips ng kaniyang hosting sa EB.

Isa si Alexa sa mga maituturing na "baguhang" talents na pinili ng TAPE, Inc. management upang maging bagong host ng kontrobersyal na noontime show, na kamakailan lamang ay "nilayasan" ng TVJ at iba pang original hosts dahil sa "internal issues" sa pagitan nila at ng management.