Malungkot na malungkot ngayon ang social media personality na si Marlou/Xander Arizala matapos niyang ibalitang opisyal na silang hiwalay ng partner na si Gena Mago; at ang itinuturo niyang dahilan ay ang naging alitan nila ni Christian Merck Grey o "Makagwapo."

Ang puno't dulo ng isyu ay ang ₱349k na ipinangako raw ni Makagwapo kay Xander para sa binyag ng anak nitong si Baby Xeres.

MAKI-BALITA: Xander Ford nagpasaklolo para mahabol sa ninong ng anak ipinangakong ₱349k

Bagay na itinanggi naman ni Makagwapo at sinabing wala siyang anumang ipinangako kay Xander na sasagutin niya ang binyag ng anak nito; hindi naman niya akalaing seseryosohin ni Xander ang naging biro o "payabang" na hirit nito.

Sen. Risa, naloka; Alice Guo, kausap siya mismo kaya alam niya info kung nasaan siya

MAKI-BALITA: Makagwapo kay Xander Ford: ‘Hindi ko responsibilidad ang anak mo!’

Humingi pa ng tulong si Xander sa kapwa social media personality na si "AwitGamer" para maibigay na ni Makagwapo ang cash na pinag-uusapan nila.

MAKI-BALITA: Makagwapo binanatan si AwitGamer sa ‘pakikisawsaw’ sa kanila ni Marlou

Dahil nadadamay na raw ang bata sa isyu, ibinigay na ni Makagwapo ang pera kay Xander, at ginawa pa itong ₱350k.

MAKI-BALITA: Ninong serye: Makagwapo, ibibigay na raw ang ₱349k kay Xander Arizala

Ilang araw lamang, ipinakita ni Xander na nagpunta sa kanilang bahay si Makagwapo at iniabot daw ang cash. Aniya, ilalagay raw niya sa bangko ang pera at ang ilan dito ay gagamitin para sa kanilang celebration ng mga kaibigan.

MAKI-BALITA: Xander napasakamay na tumataginting na ₱350k mula kay Makagwapo

Ngunit hindi pa rito natapos ang girian ng dalawa dahil ilang araw lamang, sinabi ni Xander na ibabalik niya kay Makagwapo ang pera nito subalit paunti-unti lamang.

At sa latest video nga ni Xander, sinabi niyang umalis ang mag-ina sa kaniyang poder dahil sa isyu nila ni Makagwapo.

“Opisyal na magkahiwalay kami ng asawa ko dahil nga sa nangyaring issue na 'to," ani Xander.

“Dahil sa taong ito, dahil kay Merck Grey (Makagwapo), dahil sa mga isyu na ginawa niya sa'kin, dahil sa mga kung ano-anong pinagsasabi niya sa'kin."

"Masaya ka ba ngayon Christian Merck Grey kasi ganito yung nangyari sa akin? Masaya ka ba dahil nakasira ka ng relasyon? Sobrang depressed ko sa nangyayari sa akin. Dahil dito sa inupload mo... Ibabalik ko naman sayo yung pera, sana dinelete mo na lang yung video..." dagdag pa.

Sa isa pang Facebook post ay tila hindi nagpaawat si Xander na sisihin si Makagwapo sa pinagdaanan nila ni Gena.

"DAHIL SAYO MERCK WALA NA AKO ASAWA AT HINDI (KO NA) MAKASAMA ANG ANAK KO," aniya sa post.

Samantala, wala pang kumpirmasyon mula kay Gena hinggil sa umano'y hiwalayan nila ni Xander, bagama't mababasa sa kaniyang Facebook post nitong Linggo, Hunyo 4, ang isang makahulugang Facebook post.

"KUNG SINO PA YUNG AKALA MO KAKAMPI MO YUN PA PALA YUNG MAY MASASABI SAYO NA MASASAKIT NA SALITA AT MAGPAPAMUKHA SAYO NA AYAN KALANG," aniya.

Hindi naman tukoy kung may kinalaman ba ito sa problema nila ngayon ni Xander.