Nakatakdang ipatupad sa Martes, Hunyo 6, ang katiting na bawas-presyo sa produktong petrolyo sa Martes, Hunyo 6.

Sa abiso ng Shell, Caltex, Seaoil, Clean Fuel at Petro Gazz, magkakaroon ng rollback na ₱.60 sa presyo ng kada litro ng gasolina at ₱.30 naman ang ibabawas sa presyo ng kada litro ng diesel.

Itinakda rin ng Shell, Caltex at Seaoil ang bawas na ₱.60 sa presyo ng bawat litro ng kerosene.

Ang naturang hakbang ng mga kumpanya ng langis ay resulta ng paggalaw sa presyo ng produkto sa pandaigdigang merkado.

National

Anna Mae Yu Lamentillo itinalaga bilang Editor in Chief ng LSE International Development Review