Para sa ilang netizens, pang-international artists daw ang presyuhan ng tiket para sa unang concert ng power duo nina Sarah Geronimo at Bamboo sa Araneta Colisuem sa darating na Hulyo.

Nitong Hunyo 2, inilabas na ng G Productions PH ang presyo ng mga puwesto para sa isa sa much-awaited concerts ngayong taon.

Naglalaro mula P900 hanggang P18,000 ang presyo ng mga tiket kung saan ang pinakamahal na SVIP ay may dagdag perk na photo opportunity sa dalawang OPM icon.

Basahin: Sarah G, Bamboo, sanib-puwersa sa isa na namang concert sa Hulyo – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

National

Leni Robredo binisita puntod ng asawa bago tuluyang naghain ng COC sa Naga City

Kung ikukumpara sa naging sold-out concert ng Popstar Royalty noong Mayo lang na pumalo mula P600 hanggang P15,000 ang mga tiket, kapansin-pansin nga ang umento sa presyo sa panibagong show sa Araneta.

Well, marahil una ay dalawa nang bigating artists ang magsasama sa entablado dahilan ng mas mahal na mga tiket.

Samantala, habang nagpahayag na ang maraming Popsters at AshBoo stans ng kanilang excitement, hindi naman mapigilan ng ibang fans na indahin ang presyo ng show.

Ilan pa sa kanila ang nagkumpara sa concert sa ilang banyagang artist kagaya ni Bruno Mars pagdating sa presyo.

Kaya ang inaabangan ngayon ng marami, agad din bang mabebenta ang buong Araneta kagaya ng mabilis na pagka-sell-out ng mga tiket ng concert ni Sarah G noong Abril?

Sa darating na Miyerkules, Hunyo 7, magbubukas ang ticket sales ng nasabing show.