Matapos ipakilala ang mga bagong host ng longest-running noontime show na "Eat Bulaga" matapos ang exodus ng TVJ at original Dabarkads hosts nito, katakot-takot na kritisismo ang natanggap nila mula sa mga netizen lalo na ang mga nasanay na't matagal nang tagasubaybay ng programa.

Isa nga sa mga "tinutusta" at "below the belt" na ang mga natatanggap na banat ay si Kapuso actor Paolo Contis na isa sa mga ipinakilalang bagong hosts, kasama sina Betong Sumaya, Buboy Villar, Alexa Miro, XOXO, at kambal nina Carmina Villaroel at Zoren Legaspi na sina Cassie at Mavy Legaspi.

Hindi kasi malilimutan ng mga netizen ang hanggang ngayon ay hindi mamatay-matay na isyu tungkol sa hiwalayan nila ng dating partner na si Kapuso actress LJ Reyes, na noong Mayo 30, 2023 ay ibinalitang engaged na sa kaniyang non-showbiz boyfriend na si Philip Evangelista.

Kahit na umamin na si Paolo na magkasintahan na sila ni Yen Santos, patuloy pa rin itong ipinupukol sa kaniya kapag lumalabas siya sa mga balita.

‘Immortal love?’ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary

At sa pagtanggap nga ni Paolo na maging bagong host ng EB sa ilalim ng TAPE, Inc., muling ibinato ng mga netizen ang isyung hindi siya nakakapagsustento sa mga anak sa mga dating karelasyon gaya nina Lian Paz at kay LJ nga. May anak sila ni LJ na si Baby Summer.

Narito ang ilan sa maaanghang na komento ng netizens sa Twitter.

"Namimigay ng papremyo sa noontime show pero sustento sa anak hindi. Hahah! Lol."

https://twitter.com/RENderred/status/1665619540263292928

"Tamang paghohost muna... as a friend. Lol."

https://twitter.com/TEPcilog/status/1665691246806040579

"Imagine... magbibigay ng premyo si Paolo Contis sa #EatBulaga para sa ibang tao pero yung sustento sa mga anak hindi man lang maibigay."

https://twitter.com/HeyARMAN_/status/1665616974963982338

"Si Paolo Contis sa Eat Bulaga namimigay ng papremyo pero pagdating sa anak walang pasustento.” - Anonymous

https://twitter.com/KafosoMo/status/1665643936080076800

Samantala, ipinagtanggol naman ng showbiz columnist at talent manager ni Paolo na si Lolit Solis ang alaga at ang iba pang bagong host ng noontime show.

“Trabaho lang, walang personalan. Dahil kahit kelan hindi papasok sa isip ni Paolo na magiging katapat siya sa programa ng Tito, Vic at Joey. Under siya ng management ng GMA Artists Center at kung anong trabaho ang ibigay sa kanya, tinatanggap niya,” ani Lolit.

MAKI-BALITA: Lolit sa pagiging EB host ni Paolo Contis: ‘Trabaho lang, walang personalan’

Ayon naman sa ulat ng PEP, inasahan na raw ni Paolo ang bashing na matatanggap nila mula sa avid Eat Bulaga viewers.

“Yung bashing expected naman yun. I just hope people can give us and the show a chance."

“Ang goal lang naman namin is magtrabaho at magpasaya ng tao. Wala kaming gustong apakan na tao," aniya raw.