Tila dinepensahan ni Manay Lolit Solis ang kaniyang alaga na si Paolo Contis mula sa mga umano'y bumabatikos sa 'bagong' 'Eat Bulaga,' kung saan isa ang aktor sa mga bagong host nito.

Sa isang Instagram post ni Lolit nitong Lunes, Hunyo 5, sinabi niyang bata pa lamang si Paolo Contis ay idol na nito ang mga OG host ng Eat Bulaga na sina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon. 

"Trabaho lang, walang personalan," ito ang naging pahayag ng batikang kolumnista sa nasabing post. Aniya pa, kahit kailan hindi raw pumasok sa isip ng aktor na magiging katapat ito ng programa ng TVJ. Kung ano raw ang inoffer sa kaniyang trabaho ng GMA Artist Center ito ay tinatanggap niya. 

"Trabaho lang, walang personalan. Dahil kahit kelan hindi papasok sa isip ni Paolo na magiging katapat siya sa programa ng Tito, Vic at Joey. Under siya ng management ng GMA Artists Center at kung anong trabaho ang ibigay sa kanya, tinatanggap niya," ani Lolit.

‘Immortal love?’ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary

"A good soldier following his superior. Talagang hindi mo maiiwasan mga ganitong pangyayari. Kahit nga si Paolo hindi akalaing mangyayari ito pero iyon ang gusto ng management niya, at palagay ko naman hindi magiging dahilan para magkaruon ng bad blood sa mga involved.

"Sana nga both parties maging matagumpay,dahil liit lang mundo ng showbiz. Hindi na dapat meron pang maliliit na kaguluhan. Dapat lahat maayos. More work, the better. More shows mas magaling. Basta trabaho, go lang, mas bongga."

photo courtesy: Lolit Solis/IG

Nitong Lunes, muling umere nang live ang longest-running noontime show kasama ang mga bagong host nito.

Opisyal nang ipinakilala ang bagong hosts na noontime show na sina Paolo Contis, Buboy Villar, Betong Sumaya, Alexa Miro, at ang kambal na sina Cassy at Mavy Legaspi.