Naging mailap pa rin ang jackpot prize ng UltraLotto 6/58 matapos na hindi pa rin ito mapanalunan sa isinagawang pagbola ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Linggo ng gabi.

Ayon sa PCSO, walang nakahula sa six-digit winning combination ng UltraLotto 6/58 na 31-04-52-54-10-56 kaya’t walang nakapag-uwi sa katumbas nitong jackpot prize na ₱202,796,480.80.

Dahil dito, inaasahang madaragdagan pa at papalo na sa ₱211 milyon ang jackpot prize nito sa susunod na bola sa Martes, Hunyo 6.

Eleksyon

COC Filing Day 5: Mga naghain ng kandidatura ngayong Oktubre 5

Mayroon namang pitong mananaya ang nakapag-uwi ng tig-₱120,000 na second prize para sa nahulaang limang tamang numero habang 641 naman ang nakapag-uwi ng tig-₱2,000 na third prize para sa nahulaang tig-apat na tamang numero.

Kaugnay nito, muli namang hinikayat ng PCSO ang publiko na magtungo na sa pinakamalapit na lotto outlets sa kanilang lugar at tumaya na sa lotto upang magkaroon na ng pagkakataong magiging susunod na milyonaryo ay makatulong pa sa kawanggawa.

Ang UltraLotto 6/58 ay binubola tuwing Martes, Biyernes at Linggo.