Tila marami ang naka-relate sa viral Facebook post ni "Mary Joy Villasquez" matapos niyang i-flex ang paskil sa kaniyang likuran habang kasama ang isang batang babae, na kaniya palang pamangkin.

Mababasa sa paskil o disclaimer ang mensaheng "Tita lang po ako" na may smiley.

"Pagod na ako sa tanong na, 'Anak mo?' Kaya ako na nag-adjust. HAHAHAHAHAHA," aniya sa caption ng viral FB post.

Ayon sa panayam ng Balita, lagi kasi siyang natatanong kung anak ba niya ang kasa-kasamang bata.

Human-Interest

Car owner hinahanting; tinakbuhan daw ₱1,826 na bill sa gasolinahan?

Dahil nakakapagod na raw magpaliwanag, pabiro niyang inilagay sa likod ang label para wala nang nagtatanong.

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento sa netizens.

"Relate hahaha ganyan din ako. Eh wala akong kasamang lalaki so iniisip nila solo parent ako."

"Hahaha naalala ko na naman, natsismis akong may anak na raw ako sa family ng jowa ko."

"Ang lakas na tawa ko ha ha ha, oo nga naman nakakapagod sumagot..."

"May kulang teh.. 'Tita lang po ako at single and ready to mingle' para wala ng tanong kung single."

Habang isinusulat ang balitang ito, umabot na sa 16k reactions, 25k shares, at 1.8k comments ang kaniyang FB post.

---

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa aming Facebook at Twitter!