Isa sa maiinit na isyung napag-usapan nina Cristy Fermin, Romel Chika, at Wendell Alvarez ay ang naganap na pagkalas ng TVJ at Eat Bulaga hosts sa TAPE, Inc. noong Mayo 31.

Nabanggit din ni Cristy na aligaga na raw ang TAPE sa paghahanap ng mga bagong host na ipalalabas nila nang live. Batay sa mga kumakalat na tsika, ilan sa mga lumutang na pangalan ay sina Paolo Contis, Archie Alemania, Betong Sumaya, at Kuya Kim Atienza. Maugong din na pasok dito ang umano'y kasintahan ni Cong. Sandro Marcos na si Alexa Miro.

May mga bagong talents din ng Sparkle ang isasalpak din umano sa naturang noontime. Ang Sparkle o Sparkle GMA Artist Center ay talent management ng GMA.

"Ang mga isasalang daw po ay mga artista ng Sparkle ng GMA-7. Iyon daw yung mga kabataang artista ng Sparkle. Ano ang sabi ng ating mga kababayan, 'yon ba ang sinasabi nilang higit pa sa isang libo't isang tuwa na ibibigay nila, eh ni hindi nga namin alam kung sino ang isasalang nila," ani Cristy.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

"Puwede kayang maglagay sila ng name plate?" sundot ni Cristy.

Natatawang segunda naman ni Romel, "Parang school lang? Unang araw..."

"Kasi nga po, hindi pa po pamilyar ang ating mga kababayan sa mga artista, sa ibang artista ng Sparkle. Natural lang po na hanapan pa nila ng indibidwalidad ang mga artistang ito," ani Cristy.

Sa laki ng mga pangalan ng mga umalis na Eat Bulaga hosts na papalitan ng mga bagito, kikinang daw kaya ang mga Sparkle artists? Iyan ang malaking tanong daw na kailangang pakatutukan at pakaabangan.

Mapapanood ito sa &t=943s">YouTube channel ng "Showbiz Now Na."