Nagbigay ng reaksiyon ang vlogger na si "Lester Fowler," sinasabing kapatid ng social media personality na si Toni Fowler sa father side, matapos niyang mag-TikTok patungkol sa "toxic family."

Ang naging batayan ni Lester sa kaniyang "komentaryo" ay ang TikTok video ni Toni kung saan nag-react ito sa isang babaeng netizen na bagama't masaya sa pagkakaroon ng malaking pamilya, nakahanap ng kapayapaan sa pagiging mag-isa.

Ani Toni, ganyan din kasi ang nararanasan niya; kapag may family reunion, akala raw niya ay okay silang lahat subalit kapagsino ang wala o absent, siya ang tampulan ng usapan.

Naranasan na raw niya na hinihiritan siya ng mga kaanak na ngayon lamang nakita, gayong noong walang-wala pa siya, hindi man lang nakatulong sa tuition ni Tyronia, ang anak niyang babae.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Mas gusto pa raw niyang tulungan ang mga estrangherong netizen kaysa sa mga kaanak na hindi naman niya kilala at lumilitaw lamang kapag may kailangan.

Sey naman ni Lester, kung tutuusin daw ay wala na siyang pakialam sa mga sinabi ng kapatid sa ama, subalit nadamay raw kasi ang iba pang kaanak nila na may apelyidong Fowler.

Pumalag daw ang ilan nilang kaanak dahil sa mga sinabi ni Toni. 28 daw kasi silang magkakapatid at may ilan sa kanila na talagang naghihirap.

Isang kapatid daw nila ang nagbenta ng sabon kay Toni noon subalit sa halip na suportahan ay pinagsabihan pa raw ni Toni na paano niya ito magagawa gayong malayo siya sa kanila.

"Wala naman siyang tinulungan sa aming magkakapatid, pero wala namang pilitan, it's okay!" saad ni Lester.

"Kung mahal mo sarili mo, okay lang, eh di mahalin mo sarili mo."

Marami rin umano sa mga iba pang Fowler ang pumapalag na rin dahil sa paglalabas niya ng sensitibong content sa YouTube channel.

"Fowler kami. Marami kaming magkakapatid, may mga anak kami, may mga konserbatibo, na yung mga pinalalabas mo mga malalaswa, so hindi lahat ng kadugo mo ay natutuwa sa aksyon mo dahil dala mo yung apelyido namin, Fowler, 'di ba? Hindi lang naman ikaw ang Fowler. Wala ka ring karapatang babuyin 'yan kasi hindi lang din sa'yo 'yan..."

"Maraming Fowler ang iningatan din ang kanilang apelyido, ngayon nagiging basher mo, siyempre sinasabihan ka, dahil hindi tayo malayang-malayang gawin ang mga bagay na makakasira sa pangalan..."

Pero nang gawin daw ni Toni ang kaniyang music videos ay tahimik lamang sila, bilang suporta na rin sa kaniya, para "umasenso" siya.

Kaya nagtataka raw si Lester kung bakit may pera na si Toni, saka naman ito umalagwa sa "paghuhubad" gayong noon, nauunawaan daw niya ito kung bakit medyo daring ang mga ginagawa nitong content dahil nga sa hirap ng buhay.

Kung may nasasabi man daw ang iba pa nilang kapatid tungkol sa kanila, bashing daw ang tingin dito ni Toni gayong concern lamang talaga sila sa kaniya.

Habang isinusulat ang balitang ito ay umabot na sa 3.5M views, 128k reactions, at 11k shares ang naturang video ni Lester Fowler.