Sa kauna-unahang pagkakataon, ipinakita na ni Ultimate Multimedia Star Toni Gonzaga ang kaniyang baby bump, matapos siyang handugan ng "baby shower" ng ilang malalapit na kaibigan gaya nina Cong. Camille Villar, Mariel Rodriguez-Padilla, Che Uy, Winnie Wong, at kapatid na si Alex Gonzaga.

"Super grateful to my dear friends @camillevillarofficial @emaglipayvillar @che.uy168 @marieltpadilla and sisters @cathygonzaga @winniewong for throwing us the most memorable shower!🤍 So thankful to our family and friends who celebrated with us this new blessing!," caption ni Toni sa kaniyang Instagram post.

Kitang-kita sa video clip ang baby bump ni Toni na matagal nang usap-usapan subalit ngayon lamang nagkaroon ng kumpirmasyon mula mismo sa kaniya. Makikitang kasama niya ang mister na si Direk Paul Soriano at panganay nilang si Seve.

Bukod sa mga kaanak, dumalo rin dito ang ilang mga personalidad sa politika gaya nina Sen. Robin Padilla, Sen. Loren Legarda, Sen. Mark Villar, at First Lady Liza Araneta-Marcos na kaanak ni Direk Paul.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho