Tila may pahiwatig si Eat Bulaga host Joey De Leon na lilipat ang TVJ at iba pang sumama sa kanilang nagbitiw na "Eat Bulaga" hosts sa TV5.

MAKI-BALITA: Joey de Leon sa pagkalas sa TAPE, INC: ‘We’re not signing off. We are just taking a day off!’

Makikita sa Instagram post ni Joey ngayong Linggo, Hunyo 4, ang tungkol sa kanilang saglit na pamamahinga subalit muli rin nilang pagbabalik.

"Sabi ko noon, we are not signing off, we are just taking a day-off. In other words, pahinga muna. In (English), TAKE FIVE!," caption ni Joey kalakip ang litrato nila ng TVJ sa IG post.

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

Sa comment section ay marami naman ang nagpahayag ng pagsuporta sa kanila.

"I'm not so fan of Eat Bulaga eversince, but I respect so much this 3, TVJ. Legendary, now na mag-uumpisa ulit ang bagong show n'yo for sure, support ko po kayo, its never to late to be a fan."

"A clue!!! Thankyou for the witty post everyday po."

"In other words TVJ in TV5/TVFive."

"Galing talaga ng master henyo."

Kamakailan lamang ay hindi nagustuhan ng mga netizen ang naging hirit niya patungkol sa prangkisa ng ABS-CBN at sa namayapang rapper/Eat Bulaga co-host na si Francis Magalona.

MAKI-BALITA: ‘Not funny!’ Hirit ni Joey tungkol kay Francis M, ABS-CBN hindi ‘benta’ sa netizens