Nasolo ng taga-Pampanga ang tumataginting na ₱41 milyong jackpot prize ng Mega Lotto 6/45 na binola ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Biyernes ng gabi, Hunyo 2.

Sa kalatas na inilabas ng PCSO, matagumpay na nahulaan ng lucky bettor ang winning numbers na 25-15-05-11-09-03 na may kaakibat na premyo na ₱41,256,521.60.

Dagdag pa ng ahensya, nabili ang winning ticket sa McArthur Highway, San Fernando, Pampanga. 

Ang lucky winner ay kailangan lamang magtungo sa PCSO main office sa Mandaluyong City para makubra ang kaniyang premyo.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Kailangan lamang magpresenta na dalawang valid ID at winning ticket. 

Paalala rin ng PCSO na sa ilalim ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion law, ang lahat ng lotto winnings na mahigit sa ₱10,000 ay papatawan ng 20-percent final tax.

Ang mga premyo naman aniya na hindi makukubra matapos ang isang taon ay mapo-forfeit at otomatikong mapupunta sa kawanggawa.

Kaugnay nito, noong Huwebes, napanalunan ng taga-Cavite ang ₱58 milyong jackpot prize ng Super Lotto 6/49.

May be an image of text that says 'PHILIPPINE CHARITY SWEEPSTAKES OFFICE CONGRATULATIONS! MEGALOTTO 6/45 NATIONAL LOTTERY JACKPOT WINNER Friday, June 2, 2023 25 15 05 11 03 WINNING COMBINATION Php41, 256,521.60 JACKPOT PRIZE One (1) Winning Ticket was bought in McArthur Highway, San Fernando, Pampanga *Prizes subject 20% year pursuant TRAIN Law. winnings should claimed otherwise the same would /pcsoofficialsocialmedia 18+ /PCSO GOV forfeited form part fthe Charity Fund. www.pcso.gov.ph'