Nakiisa si British Ambassador to the Philippines Laure Beaufils sa mga miyembro ng LGBTQ+ sa bansa sa pagdiriwang ng Pride Month na tinawag niyang isang pagkakataon upang itaguyod ang mga karapatan ng naturang komunidad at pagkakapantay-pantay para sa lahat.

Sa isang video message, sinabi ni Beaufils na ang Pride Month ang isa sa mga pinakapaborito niyang bahagi ng taon.

“Pride month is an opportunity to celebrate all things LGBTQ+ in the Philippines,” ani Beaufils.

Mula nang maging ambassador umano siya dalawang taon na ang nakalilipas, mapalad daw siyang nakilala niya ang iba’t ibang mga miyembro ng LGBTQ+ community, mula mga aktibistang lumalaban para sa pagkakapantay-pantay hanggang mga ordinaryong indibidwal na gumagawa ng mabubuting bagay sa kinabibilangan nilang sektor.

National

Digong marami pa raw drama, sey ni Trillanes

“The Philippines is in many ways one of the more progressive and inclusive countries when it comes to LGBTQ+ issues. But we also acknowledge that whilst there has been significant strides made, there is still a long road ahead of us – in the UK, in the Philippines, and around the world – to overcome the barriers and discrimination that many LGBTQ+ people still face,” ani Beaufils.

“So as we enter Pride Month, this is a chance to reaffirm our commitment to upholding LGBTQ+ rights, promoting equality, and ensuring that everyone, regardless of their sexual orientation or gender identity, feel safe, included, and respected,” dagdag niya.

Sinabi rin ni Beaufils na binibigyang-pugay ng Embahada ang kanilang mga kasamahang at ang bawat isang lumalaban para sa pagkakapantay-pantay para sa lahat.

“Together, we have shared vision of a world where diversity is celebrated, where love knows no bounds, and where every person can live authentically and proudly,” saad ni Beaufils.