Hinangaan at nanibago ang mga netizen sa looks ng social media personality at bahagi ng "FPJ's Batang Quiapo" na si Toni Folwer, matapos niyang ibahagi ang ilang litrato sa naganap na guestings nila ng kaniyang jowang si Vince Flores, sa morning talk show na "Magandang Buhay" sa ABS-CBN.

Kaiba sa kaniyang tipikal na looks, simple lamang ang humarap na Toni na talaga namang puring-puri mula sa netizens.

Lutang na lutang at angat na angat daw kasi ang ganda niya. Kaya naman, nagpalit din siya ng profile photo sa Facebook dahil dito.

"‘Alam mo toni mas maganda ka pag simple’

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

*Weh*," saad niya sa caption.

Toni Fowler (Larawan mula sa FB ni Toni Fowler)

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.

"Totoo naman talaga!"

"Yes mas ok na simple lang mommi oni..ang gAnda mo sa dito.."

"Ayan nainlove ako tuloy sarap titigan , sa gnitong simple lng ,,,i lab it"

"Kahit naman walang make up maganda kapa din mommy oni kahit Nung Hindi kapa nagpaparetoke"

"Ang ganda mo mommy oni bagay sau Lalo Kang gumanda"

"Mukha kang virgin diyan Mommy Oni, parang di makabasag-pinggan haha. Love it!"

Umabot na sa 701k reactions, 53k shares, at 40k comments ang kaniyang bagong profile pic sa FB.