Muling nag-trending ang isa sa TVJ at Eat Bulaga host na si Joey De Leon matapos niyang magpakawala ng birong hirit sa tweet na may kaugnayan sa pagkawala ng ABS-CBn franchise at sa dating Eat Bulaga host/master rapper Francis Magalona.

Isang netizen ang nagpakawala ng kaniyang tweet na may kaugnayan sa pamamaalam ng TVJ sa Television and Production Exponents (TAPE) Inc., producer ng Eat Bulaga.

Ayon sa netizen, tila raw "nakarma" ngayon si Joey dahil nangyari daw sa kanila ang nangyari noon sa ABS-CBN nang mawalan ng prangkisa noong 2020.

“Joey de Leon several times threw shade 'kami may franchise'. Now he’s experiencing the same for at least one day," anang netizen.

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

Nakarating ito sa host-comedian at sinagot ang netizen, subalit nilaro niya ang salita ng "franchise" at sa pangalan ng yumaong dating co-host na si Francis M.

“Totoo naman talaga yun pero nawala rin…si Francise M. Gets?” aniya.

Screengrab mula sa Twitter ni Joey De Leon

Hula ng mga netizen, pareho nang patay ang ABS-CBN franchise at si Francis M, bagay na hindi nagustuhan at binatikos ng mga netizen.

Anila, huwag na raw sanang idamay ni Joey si Francis M na matagal nang nananahimik, at wala itong kinalaman sa nangyari sa prangkisa ng ABS-CBN.

Sana nga raw ay maging mas humble pa si Joey dahil baka may posibilidad ding mapanood ang bago nilang nilulutong noontime show kung lilipat na sila sa TV5. Alam naman ng lahat na ilan sa mga programa ng Kapamilya Network ay napapanood din sa Kapatid Network.

Narito ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens.

"And that is why you’re not in noontime anymore. Basura ka pa rin talaga through and through."

"Pa-retire ka na but I can't remember the first time na natawa ako sa joke mo. Always a 💩."

"Pati yung namayapang si Francis M. dinamay mo na sa kabastusan mo. Malala ka na."

"Corny pa rin HAHAHAHAHA."

"Hambog at bastos."

"Daserv mo 'yan. Karma hits you back."

"Hindi siya nakakatawa. We miss Francis M. Di siya dapat hinalo dito."

Samantala, wala pang reaksiyon o pahayag ang misis o mga anak ni Francis M tungkol dito.