Mukhang matutuloy na ang naudlot na kauna-unahang pelikulang pagtatambalan ng Kapuso stars na sina Alden Richards at Bea Alonzo, na ayon sa inilabas na opisyal na pahayag ng GMA Network, ay hindi na matutuloy dahil sa "conflict of schedule," taliwas sa mga nauna nang lumabas na tsikang sila mismong dalawa ang may "conflict."

MAKI-BALITA: Pelikula nina Bea, Alden di na raw tuloy dahil daw sa di-pagkakaunawaan?

Pero mukhang wala namang conflict sa dalawa dahil magsasama sina Alden at Bea sa "Battle of the Judges," ang pinakabagong spin-off ng "Got Talent" (Pilipinas Got Talent) kung saan si Alden ang host at si Bea naman ay isa sa mga hurado, kasama nina Boy Abunda, Jose Manalo, at GMA Senior Vice President Annette Gozon-Valdez.

Anyway, mula mismo sa taga-VIVA ang nagsabing ang ipapalit nga kay Bea ay si Julia Barretto para sa remake ng 2004 Korean movie na "A Moment to Remember," ayon sa panayam ng press na mapapanood sa isang &t=1s">YouTube channel na inupload ng nagngangalang "Kiko Escuadro," na pinagbatayan din ng ibang ulat tungkol dito.

National

Painting ni Amorsolo sa private museum sa NegOcc, ninakaw!

Alam daw ni Julia na ang pelikulang ito ay dating Alden-Bea muna bago mapunta sa kaniya ang role. Excited na raw si Julia.

Sinabi rin ng nakapanayam na taga-VIVA na may pelikula rin si Julia na makakatambal naman si Aga Muhlach.

Nakakaloka ito dahil alam naman ng lahat kung anong meron sa pagitan nina Julia at Bea dahil kay Kapamilya actor Gerald Anderson.

Bago ang Alden-Julia, mapapanood muna ang unang tambalan nina Julia at Diego Loyzaga sa pelikulang "Will You Be My Ex?" at makakasama nila rito si Bea Binene.

At abala na rin si Alden sa shooting naman ng pelikula nila ng isa pang Julia na si Julia Montes na co-production naman ng GMA Pictures at Cornerstone Entertainment.

MAKI-BALITA: Alden Richards at Julia Montes magsasama raw sa pelikula