Papalo na sa tumataginting na ₱200 milyong jackpot prize ang mapapanalunan ng mga lotto bettor matapos na hindi mapanalunan ang ₱193M sa huling bola ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Biyernes, Hunyo 2.
Sa jackpot estimates na inilabas ng PCSO nitong Sabado, Hunyo 3, papalo na sa ₱200 milyon ang jackpot prize ng Ultra Lotto 6/58 na bobolahin ngayong Linggo, Hunyo 4.
Hindi kasi napanalunan ang ₱193,037,324.80 na may winning combination na 48-45-36-39-13-38.
Eleksyon
Mayoral bet, pumalag sa isyu ng driver niyang dinakip dahil sa 'food packs'
Kaya ano pa ang hinihintay ninyo? Punta na sa pinakamalapit na lotto outlet at tumaya na!
Binobola ang Ultra Lotto 6/58 tuwing Martes, Biyernes, at Linggo.