Viral ngayon ang Facebook post ng nagngangalang "Shaira Gail" matapos niyang mabuking ang pangalan niya sa cellphone ng kaniyang jowang si "Edgar," habang natutulog ito.

Mababasa sa kaniyang caption noong Hunyo 1, hinahanap daw niya ang cellphone ng partner subalit hindi niya ito makita. Nagkataong mahimbing naman itong natutulog, kaya upang hindi maistorbo, nagsagawa na lang "missed call" si Shaira upang malaman niya kung saan nakatago ang CP ng partner.

Nang mag-ring naman ito, nagtagumpay naman si Shaira, subalit nagtaka siya na ang nakalagay na pangalan ay "Ronald Classmate."

"Hinahanap ko cellphone niya para i-charge so minissed call ko para mag-ring tapos chanannn!" ani Shaira.

Human-Interest

Car owner hinahanting; tinakbuhan daw ₱1,826 na bill sa gasolinahan?

Sa sumunod na pangungusap, ibinuking ni Shaira na ganito rin ang ginawa sa kaniya ng jowa, sa ibang senaryo nga lamang. Noon daw ay ipinakilala naman siya bilang "pinsan."

"Ang pakilala mo sakin sa babae mo pinsan mo lang ako ngayon ronald classmate na!" aniya pa.

Larawan mula sa FB ni Shaira Gail

Sa comment section, marami na ang nag-aabang kung nagising pa ba si Edgar o kung paano ito nagpaliwanag sa partner.

Ngunit ano na nga ba ang nangyari sa kanila? Umaatikabong komprontasyon ba ang nangyari?

Ayon sa eksklusibong panayam ng Balita kay Shaira, pagkagising ng boyfriend ay nagkaroon sila ng kaunting "interogasyon" subalit naipaliwanag naman daw ni Edgar nang maayos kung bakit pangalan ng lalaki at classmate pa ang nakalagay, sa pangalan niya sa contacts nito sa cellphone.

"Explanation niya, kaya Ronald Classmate nilagay n'ya kasi tawag daw ako nang tawag pag nasa labas siya especially kapag nasa inuman, para daw hindi s'ya mapahiya at asarin ng barkada, iyon naisip niya. About him? Okay naman siya nagkaroon lang kami interrogation hehe."

Ikinuwento rin niya ang nabanggit na unang insidente na ipinakilala naman siya bilang pinsan, habang nasa inuman ito.

"Yung una kasi way back 2019 newly lang relationship namin, tawag ako nang tawag sa kaniya, hindi siya sumasagot so I decide na pumunta sa kanila."

"Nagulat ako merong inuman sa kanila at may mga babae so hindi ako nag-eskandalo, dere-deretcho na lang ako pumasok sa kanila."

"I heard my isang babae nagtanong kung sino daw ako tapos sumagot si Edgar, 'Wala pinsan ko lang 'yon' so doon nagsimula lahat."

"Kaya from the start cousin/pinsan pakilala niya sa akin sa iba. Hehehe," aniya.

Bakit nga ba pinsan ang pakilala raw sa kaniya noon sa mga babaeng kainuman?

"Kasi yung time na 'yon newly lang relationship namin so 'yon side chicks niya 'yon in short para siyempre hindi s'ya mabuking at masira diskarte you know naman lalake moves. Hehe."

Sa kabila nito, hindi raw niya naisipang hiwalayan si Edgar.

"For me wala namang relationship na perfect sa simula. Siguro iba-iba tayo ng pagtanggap pero kasi bago maging kami we’ve been friends first so I know him. Alam ko na mga kalokohan niya pero sumugal pa rin ako. Kasi I believe na one day magbabago rin siya."

"And hindi naman ako nabigo kasi very family man siya responsible na partner, good provider sa family namin. And sanay na rin kasi ako puro siya kalokohan, feeling ko nga, 'yon pa nagpatibay sa relationship namin," dagdag pa ni Shaira.

Noong Mayo 29, flinex ni Edgar ang pagdiriwang nila ng anniversary ni Shaira kung saan tinawag niya itong "insan."

"Happy anniversary insan," caption ni Edgar.

Habang isinusulat ang balitang ito ay umabot na sa 118k reactions, 51k shares, at 9.3k comments ang naturang viral FB post.

---

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa aming Facebook at Twitter!