Arestado ng pulisya ang isang 45-anyos na babae sa buy-bust operation ng shabu sa Taguig nitong Biyernes, Hunyo 2.

Nahuli ng Taguig Police Drug Enforcement Unit (SDEU) si Norhaya Sangkupan sa isang sting sa Maguindanao Street sa Purok 2, Barangay New Lower Bicutan.

Narekober ng mga awtoridad ang walong plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may bigat na 30 gramo na tinatayang nagkakahalaga ng P204,000, at P500 bill na ginamit bilang buy-bust money.

Nahaharap siya sa reklamo ng paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).

National

Unemployment rate sa ‘Pinas, bumaba sa 3.9% – PSA

"We remain committed to our relentless pursuit of eradicating illegal drugs in our community," ani Brig. Gen. Kirby John Kraft, direktor ng Southern Police District.

"The successful operation and arrest are a testament to the dedication and hard work of our Station Drug Enforcement Units and the cooperation of our partners in law enforcement. We will continue to work tirelessly to ensure the safety and well-being of our residents.”

Jonathan Hicap