Ipinahayag ni Justice Secretary Jesus Crispin C. Remulla nitong Biyernes, Hunyo 2, na nag-apply rin  ng citizenship sa Timor-Leste si Negros Oriental 3rd District Rep. Arnolfo “Arnie” A. Teves Jr., isa sa mga tinitingnang “utak” sa pagpaslang kay Gov. Roel R. Degamo.

“Ang alam ko nag-apply din siya ng citizenship,” ani Remulla sa isang press briefing, bagama’t hindi na niya idinetalye ang naturang aplikasyon.

Sinabi rin ni Remulla na may nakabinbing apela si Teves sa Korte Suprema ng Timor-Leste hinggil sa tinanggihang kahilingan ng mambabatas na mabigyan ng asylum, isang legal na paraan para sa mga tao ng iba't ibang nasyonalidad upang humingi ng proteksyon sa ibang pamahalaan.

“Actually, I don't know the legal process of Timor-Leste but they have a legal system that works so he's at the Supreme Court now,” ani Remulla.

National

LPA sa loob ng PAR, naging bagyo na rin; 11 lugar sa Luzon, itinaas sa Signal No. 1

“Citizenship was also on the table but I know more of the political asylum they are applying for,” dagdag niya.

Nagsampa ng reklamo ang National Bureau of Investigation (NBI) laban kay Teves para sa 10 counts ng murder, 14 counts ng frustrated murder at apat na counts ng attempted murder. 

Sinabi ni Remulla na noong unang bahagi ng buwan ng Mayo, dumating si Teves sa Timor-Leste mula sa Singapore.

“They got a private plane. That was the intelligence report given to us and there were 13 of them in that private plane that they boarded,” ani Remulla.

“That's a very expensive proposition. You are talking about somebody complaining about oppression but, you know, spending his money in such a manner that would put a lot of people to shame on the way they spend money,” saad pa niya.

Sinabi rin ni Remulla na sa paghahanap ng asylum at citizenship, maaaring umanong nakuha ni Teves ang pinakamahusay na mga abogado na mabibili rin ng pera sa Timor-Leste.

Jeffrey Damicog