Binigyang-pugay ng Muntinlupa City government ang mga athlete at coach na nagdala ng karangalan sa bansa sa ika-32 Southeast Asian (SEA) Games na ginanap noong Mayo 5 hanggang 17 sa Phnom Penh, Cambodia.

Ipinasa ng Muntinlupa City Council ang Resolution No. 2023-243 na bumabati sa mga Muntinlupeño athletes and coaches sa SEA Games.

"Congratulations to our Muntinlupeño athletes and coaches who have shown their strength and excellence in the 32nd SEA Games in Cambodia. You make your City truly proud,” saad ni Mayor Ruffy Biazon na pumirma sa resolusyon noong Mayo 29.

National

Pag-imbestiga ng Senado sa drug war ni ex-Pres. Duterte, magandang ideya – Pimentel

Mula 840 delegates ng Pilipinas, walong Muntinlupeño ang nanalo ng medalya. Pinarangalan ng pamahalaang lungsod sina Annie Ramirez (gold, Jiu-jitsu Women's Newaza Nogi-57 kg category); Kaila Napolis (gold, Jiu-jitsu Women's Newasa Gi-52 kg); Gretel De Paz (gold, Kickboxing Low Kick - 56 kg class); Shugen Nakano (silver, Men's Judo-66 kg class); Daryl John Mercado (bronze, Men's Judo 55 kg); Keisei Nakano (bronze, Judo Mixed Team); Jay-R Beterbo, silver, Floorball-Men’s Tournament); at Carlo Biado, bronze, Billiards-Men’s 9-Ball Pool Doubles. 

Kinilala rin ng lungsod sina coach Jayson Senales at Kodo Nakano, na mula rin sa Muntinlupa, para sa matagumpay na pangunguna sa national judo team na mayroong pitong medalya.

Jonathan Hicap