Inaprubahan na ng National Economic and Development Authority (NEDA) ang mga proyektong pangkaunlaran ng administrasyon sa isinagawang Board meeting nitong Hunyo 2.

Ito ay alinsunod na rin sa 8-Point Socioeconomic Agenda at Philippine Development Plan para sa 2023 hanggang 2028.

Bilang Pangulo ng bansa at chairman ng Board ng NEDA, pinangunahan ni Ferdinand Marcos, Jr. ang pagpupulong kung saan kaagad nilang inaprubahan ang mga proyektong kinabibilangan ng Tarlac-Pangasinan-La Union Expressway (TPLEX) Extension Project, alituntunin para sa pag-apruba ng LGU-Public-Private Partnership (PPP) projects, at ang Philippine Rural Development Project Scale Up ng Department of Agriculture (DA).

Hinimay din sa Board meeting ang unang progress report para sa 194 infrastructure flagship projects na bahagi ng Build Better More program ng administrasyon.

National

Super Typhoon Ofel, napanatili ang lakas habang nasa northeast ng Echague, Isabela