Eleksyon

COC Filing Day 5: Mga naghain ng kandidatura ngayong Oktubre 5

Gusto mo bang maging instant millionaire? Punta na sa pinakamalapit na lotto outlet dahil papalo na sa halos ₱200M ang jackpot prize ng Ultra Lotto 6/58 na nakatakdang bolahin ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ngayong Biyernes, Hunyo 2!

Sa inilabas na jackpot estimates ng PCSO, papalo sa ₱194 milyon ang premyo ng Ultra Lotto 6/58 habang nasa ₱41 milyon naman ang Mega Lotto 6/45.

Sa huling bola noong Martes, Mayo 30, ang winning combination ng Ultra Lotto 6/58 ay 46-49-31-54-19-47. Habang noong Miyerkules, Mayo 31 naman, ang winning numbers ng Mega Lotto 6/45 ay 03-17-35-20-23-16. 

Kaya pumunta na sa pinakamalapit na lotto outlet at tumaya, at baka ikaw na ang susunod na milyonaryo! 

Ang Ultra Lotto 6/58 ay binobola tuwing Martes, Biyernes, at Linggo habang ang Mega Lotto 6/45 ay kada Lunes, Miyerkules, at Biyernes.