Bahagyang bumaba ang pitong araw na positivity rate sa Metro Manila mula 19.9 porsiyento noong Hunyo 1 hanggang 19.4 porsiyento, sinabi ng OCTA Research Fellow na si Dr. Guido David nitong Biyernes ng gabi, Hunyo 2.

Batay sa pinakahuling post ni David sa Twitter, ang kabuuang caseload ng bansa ay nasa 4,145,792, na may 14,888 active cases, 4,064,428 recoveries, at 66,476 na namatay.

"Projecting 1000–1200 new cases on June 3," dagdag niya.

Nauna nang sinabi ni Maria Rosario Vergeire, ang officer in charge ng Department of Health (DOH), na ang pagdami at pagbaba ng bilang ng mga virus ay maaari pa ring maitala paminsan-minsan.

National

Asawa ni Harry Roque, nakaalis na ng bansa noong pang Setyembre – BI

Bilang tugon, patuloy na pinapayuhan ng mga eksperto ang publiko na sundin ang mga kasanayan sa kaligtasan upang mabawasan ang kanilang panganib sa panahon ng mga kaso ng Covid-19.

Rhowen Del Rosario