Ibinalita ng social media personality at dating Hasht5 member Marlou Arizala alyas Xander Ford/Arizala na naibigay na sa kaniya ni Christian Merck Grey alyas "Makagwapo" ang pinagtatalunan nilang ₱349k (ginawang ₱350k) na ipinangako nitong ibibigay na sa kaniya, para matapos na ang sigalot nila sa social media.

Sa kaniyang Facebook video nitong Miyerkules, Mayo 31, sinabi ni Xander na nasa labas na ng kanilang bahay si Makagwapo upang personal na i-abot sa kaniya ang cash.

Ipinakita ni Xander ang kotse ni Makagwapo subalit hindi niya ipinakita ito sa video. Maririnig lamang ang boses nitong nagsasalita.

Maya-maya, makikitang ipinakita ni Xander ang isang plastik na naglalaman daw ng cash na ibinigay sa kaniya ni Makagwapo.

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

"Alam n'yo guys napakabait ni Merck Grey... hindi siya mahirap kausap, nagpapasalamat ako kasi nakuha ko na yung pera na talagang inaasahan ko, dahil nga ako doon sa (binyag) ng anak ko, ako lahat ang gumastos do'n," ani Xander.

Inilabas niya ang mga bungkos ng pera mula sa plastik at ipinakita sa video.

"Siyempre ilalagay ko sa bangko 'yan," dagdag pa.

Pero ang ibang bahagi ng pera ay ilalaan daw niya sa selebrasyon kasama ang mga kaibigan.

Samantala, wala pang reaksiyon, tugon o pahayag si Makagwapo tungkol dito.