Gumawa ng isang leaf art ang artist na si MM Dacanay, 25, mula sa Biñan City, Laguna tampok ang TVJ o sina Tito Sotto III, Vic Sotto, at Joey de Leon matapos ang naging pagkalas ng mga ito sa TAPE, Incorporated.

“Hanggat may bata, May EATBULAGA ❤️,” caption ni Dacanay sa kaniyang Facebook post.

Naging usap-usapan nitong Miyerkules, Mayo 31, ang naging pahayag ng TVJ hinggil sa kanilang pagkalas sa TAPE, Incorporated, na pagmamay-ari ng pamilya Jalosjos.

MAKI-BALITA: ‘What’s next?’ TVJ emosyunal na nagpaalam, kumalas na sa TAPE, Inc.

Mga Pagdiriwang

World Mental Health Day: Ano nga ba pinagkaiba ng Anxiety, Stress at Depression?

Ayon kay Dacanay, bilang isang certified part ng dabarkads ay naniniwala siyang babalik muli ang programa upang magbigay tuwa sa mga manonood.

“Hanggang sa Muli po Tito ,Vic & Joey. Salamat sa Pagbibigay ng Isang libo't isang Tuwa sa aming lahat ,” aniya.

“Dabarkads 4 ever,” komento naman ng isang netizen sa post ni Dacanay.

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa aming Facebook at Twitter!