Lalabas na ng bansa ngayong Huwebes ng hapon ang bagyong Betty na huling namataan sa dulo ng Northern Luzon.

Sa weather bulletin ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Hunyo 1, dakong 5:00 ng madaling araw, inaasahang nasa labas na ng Philippine area of responsibility (PAR) ang bagyo dakong 2:00 ng hapon o 670 kilometro ng Itbayat, Batanes.

Isinailalim na lamang sa Signal No. 1 ang Batanes matapos alisin ang babala ng bagyo sa Isabela, Apayao at Cagayan nitong Miyerkules.

Huling namataan ang bagyo 505 kilometro hilagang silangan ng Itbayat, Batanes, taglay ang hanging 110 kilometers per hour (kph) malapit sa gitna at bugso nitong aabot sa 135 kph.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Ito ay kumikilos pa-hilaga sa bilis na 15 kph.

Sa susunod na 24 oras, makararanas naman ng pabugso-bugsong hangin sa northern Cagayan, kabilang na ang Babuyan Islands, Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Central Luzon, Metro Manila, CALABARZON (Region 4A), Bicol Region, MIMAROPA (Region 4B), Western Visayas, Northern Samar at sa northern portion ng Samar dahil na rin sa southwest monsoon o habagat na pinalakas ng bagyo.