Bukod sa mga netizen, isa sa mga celebrity na tila "napa-hugot" din sa nangyaring engagement nina LJ Reyes at non-showbiz boyfriend ay si Trina Candaza, ang ex-partner ng Kapamilya actor na si Carlo Aquino.

Ibinahagi ni Trina sa kaniyang Instagram story ang isa sa mga litrato ng engagement ni LJ kay Philip, at mababasa rito ang text caption na "One day, this pain will be my testimony."

Screengrab mula sa IG ni Trina Candaza

Matatandaang naghiwalay na rin sina Trina at Carlo noong 2021 at kinumpirma naman ito ni Trina noong Enero 2022.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

MAKI-BALITA: Carlo at Trina, hiwalay na ba? Xian Gaza, dinadawit si Angelica Panganiban

Mula mismo sa bibig ni Carlo ang kumpirmasyong hiwalay na sila ni Trina, sa panayam ng ABS-CBN News sa aktor matapos ang press conference para sa digital series nilang 'How to Move on In 30 Days' katambal ang tinaguriang 'RomCom Princess' na si Maris Racal.

Inamin niyang ilang buwan na rin silang hiwalay ni Trina ngunit civil naman sila pagdating sa pag-aalaga at co-parenting sa kanilang baby girl na si Mithi.

MAKI-BALITA: Carlo Aquino, kinumpirmang hiwalay na sila ni Trina Candaza

Inamin ni Carlo kamakailan na nasa dating stage na sila ni Kapamilya actress Charlie Dizon, na isa sa mga bibida sa ABS-CBN at TV5 collaboration series na "Pira-pirasong Pangarap."

MAKI-BALITA: CONFIRMED! Carlo Aquino, Charlie Dizon, nasa ‘dating’ stage na!