Hindi gagamitin sa isinusulong na Maharlika Investment Fund (MIF) ang pera ng Government Service Insurance System (GSIS).

Sa panayan ng mga mamamahayag nitong Miyerkules, binanggit ng Pangulo na walang balak ang gobyerno na gawing "seed

fund" ang pondo ng GSIS para sa naturang investment fund.

Sa kanyang panig, ipinaliwanag ni GSIS President, General Manager Jose Arnulfo Veloso na tiniyak na ng pamahalaan kamakailan na hindi gagalawin ang pension funds para sa MIF.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

"Isa lang ho ang gagawin natin, kung ano po ang desisyon ng mga mambabatas sapagkat sila'y nakikinig sa ating taumbayan, eh 'yun po ang susundin natin. Kami po ay nakapatnubay lang kung anong bibigay na direksyon sa amin," dagdag pa ni Veloso.

Inaprubahan ng bicameral committee nitong Miyerkules ang panukalang batas para sa pagtatatag ng sovereign wealth fund.

Ang gagamiting pondo ay huhugutin sa Land Bank of the Philippines (LBP, Development Bank of the Philippines (DBP), at National Government.

Ipinagbabawal naman ng panukalang batas ang paggamit sa pondo ng GSIS, Social Security System (SSS), Philippine Health Insurance (PhilHealth) Corporation, Pag-IBIG, Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), at Philippines Veterans Affairs Office (PVAO).