Inilabas na ngayong Miyerkules, Mayo 31 ang latest single ng all-Pinoy boy group HORI7ON na “Love Dovey” kung saan ang music video ay kinunan sa ilang sikat na lugar sa South Korea.

Halos 50,000 views na agad na inani ng ">latest MV ng grupo makalipas lang ang isang oras.

Dito, makikita ang mga miyembro na sina Jeromy, Marcus, Kyler, Vinci, Reyster, Kim, at Winston suot ang makukulay na wardrobe.

Fun, light at cute ang kabuuang konsepto ng MV tampok ang visuals ng mga miyembro. Hindi rin nawala ang charm ng grupo sa ilang dance sequence sa MV.

Musika at Kanta

Andrew E, ibinuking ang sikreto kung bakit loyal sa kaniya ang buong Pilipinas

Basahin: Bagong single ng HORI7ON, malapit nang mapakinggan – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Highlight din ang shooting location at kilalang atraksyon sa Paju sa Gyeonggi Province sa MV Partikular na dagdag kulay sa MV ang Malddong Donut and Gelato at Quatro Box na angkop lang sa tema ng kanta.

Sa huli, pawang positibong feedback naman mula sa proud fans ang natanggap ng HORI7ON.

Nitong Mayo nang lumipad na pa-South Korea ang grupo para sa kanilang dagdag training at kalauna’y official debut ngayong taon.

Basahin: HORI7ON, kompleto na sa South Korea; mga kaanak, may mensahe para sa grupo – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid