Tumanggap na ng tulong pinansyal ang mga pamilyang may-ari ng mga bahay na nawasak ng bagyong Betty sa Ilocos at Cagayan Valley region, ayon sa pahayag ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) nitong Miyerkules.
Sa report ng DSWD-Disaster Response Management Bureau (DRMB) nitong Mayo 30, nasa ₱150,157 halaga ng paunang humanitarian assistance ang naipamahagi na sa mga pamilyang naapektuhan ng bagyo sa dalawang rehiyon.
Umabot na rin sa ₱484,972 na halaga ng ayuda ang tinanggap ng mga pamilyang naapektuhan ng southwest monsoon o habagat na pinaigting ng bagyong Betty.
“Secretary Gatchalian has already instructed all DSWD Field Offices to continue the replenishment of food and non-food items in all regional warehouses and disaster hubs to guarantee enough assistance to displaced families and individuals,” pagbibigay-diin naman ni DSWD Spokesperson, Assistant Secretary Romel Lopez.
Nauna nang tiniyak ng ahensya na sapat ang relief goods ng pamahalaan para sa mga pamilyang maaapektuhan ng bagyo sa bansa.