Hindi rin napigilan ni Maine Mendoza na maging emosyonal sa mga nangyayari ngayon sa longest-running noontime show na “Eat Bulaga,” ito'y matapos magpahayag ang mga OG host na sina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon na kumalas na ang EB sa producer nitong TAPE Incorporated, na pagmamay-ari ng pamilya Jalosjos.

Sa isang Instagram post, nag-upload si Maine ng ilang mga larawan sa loob ng EB studio. 

"Hanggang sa muli, dabarkads," saad ng EB host. Bukod dito, nagpasalamat din siya sa noontime show.

"Maraming salamat, @eatbulaga1979."

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

screenshot mula sa IG ni Maine Mendoza

Matatandaang nagsimula ang career ni Maine sa Eat Bulaga noong 2015 nang gumanap itong "Yaya Dub" sa "Juan for All, All for Juan" segment ng EB. 

Nagsimula ring mas makilala si Maine noon sa "KalyeSerye" segment ng EB kung saan nagtagpo sina Yaya Dub at Alden Richards sa pamamagitan ng split-screen at doon nabuo ang "AlDub," na tinangkilik at kinakiligan ng buong Pilipinas.

Samantala, nakaabang na ang lahat sa susunod na mga hakbang ng TVJ hinggil sa Eat Bulaga. Malakas kasi ang bulong-bulungang matutuloy ang paglipat nila sa TV5, at ang ilalagay sa noontime slot daw ay ang “Wowowin” ni Willie Revillame, subalit tikom pa ang bibig ng iba’t ibang kampo upang kumpirmahin o pabulaanan ito.