Halos dalawang linggo lang matapos mapakinggan ang latest single ng SB19 na “Gento,” tumabo na agad ito sa ikawalong puwesto sa World Digital Song Sales ng Billboard Charts.

Basahin: P-pop King SB19, in-elbow ang K-pop group BABYMONSTER sa YouTube trend list – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ito ang pangmalakasang flex ng P-pop powerhouse nitong Miyerkules, Mayo 31.

“A'TIN! You keep taking us to heights unimaginable. What you are is truly AMAZING,” mababasa sa kanilang Facebook post.

Musika at Kanta

Funny pero dark? 'Salarin, Salarin' ng BINI-b10 umani ng reaksiyon

Ito’y labindalawang araw lang matapos na i-release ng grupo ang latest single para sa inaabangan nang ikalawang extended play (EP) na “Pagtatag” ngayong Hunyo 9.

Samantala sa ">YouTube, nananatiling matatag sa ikalawang puwesto ang music video ng "Gento" na sa ngayo’y umani na ng higit 2.9 million views.

Certified dance craze naman ang kanta sa TikTok na patok na ngayong dance challenge.

Kabilang na sa mga nakisabay sa “Gento” trend sina Niana Guerrero, Vice Ganda, Darren Espanto, bukod sa maraming iba pa.

Basahin: Vice Ganda, kumasa sa ‘Gento Challenge’ ng SB19 – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Binubuo nina Pablo, Stell, Ken, Josh, at Justin, ang SB19 na ipinakilala sa publiko noong 2018.

Mula noon ay lalo pang inabot ng grupo ang rurok ng kasikatan sa mga hit songs “Mapa,” “Hanggang Sa Huli,” “Tilaluha,” “Where You At?” bukod sa maraming iba pa.

Samantala, nakatakda muling magsagawa ng world tour ang grupo na sisimulan nila sa bansa sa darating na Hunyo 24 at 25.