Nanatili pa rin sa Signal No. 2 ang Batanes habang humahagupit ang bagyong Betty sa tatlo pang lalawigan sa Northern Luzon nitong Miyerkules.

Sa abiso ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), kabilang sa mga lugar na nasa Signal No. 1 ang northeastern portion ng Isabela (Santa. Maria, Cabagan, San Pablo, Divilacan, Maconacon, at Palanan), Apayao at Cagayan, kabilang na ang Babuyadn Islands.

Namataan ang sentro ng bagyo 375 kilometro silangan ng Itbayat, Batanes habang kumikilos pa-hilagang silangan sa bilis 10 kilometers per hour (kph).

Babala ng PAGASA, taglay pa rin ng bagyo ang hanging 120 kph malapit sa gitna at umaabot din sa 150 kph ang bugso nito.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Inaasahan din ng ahensya ang pabugso-bugsong ulan sa mga nabanggit na lugar sa susunod na 36 oras.

Kabilang din inaasahang uulanin ang malaking bahagi ng Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Abra at Benguet.

Maaapektuhan naman ng pag-ulan na dulot ng southwest monsoon o habagat ang Bicol Region, Western Visayas, Aurora, Quezon, northern portion ng mainland Palawan, kabilang ang Calamian at Cuyo Islands, Mindoro Provinces, Romblon, Ilocos Region at Cordillera Administrative Region.

Nauna nang isinapubliko ng PAGASA na lalabas na sa bansa ang bagyo sa Biyernes.