Patuloy na bumabagal ang Typhoon Betty na kumikilos patungo sa hilagang bahagi ng karagatan sa silangan ng Batanes, habang nananatili ang nasabing probinsya sa Signal No. 2, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Martes ng hapon, Mayo 30.

Sa tala ng PAGASA nitong 5:00 ng hapon, namataan ang mata ng Typhoon Betty 315 kilometro ang layo sa silangan ng Basco, Batanes, na may maximum sustained winds na 150 kilometer per hour at pagbugsong 185 kilometer per hour.

Nakataas sa Signal No. 2 ang probinsya ng Batanes, habang naitala ang Signal No. 1 sa mga sumusunod na lugar: 

    National

    LPA sa labas ng PAR, malaki na ang tsansang maging bagyo!

  1. Hilaga at silangang bahagi ng Isabela (Santo Tomas, Santa Maria, Quezon, San Mariano, Dinapigue, Delfin Albano, San Pablo, Ilagan City, Benito Soliven, Tumauini, Cabagan, Palanan, Quirino, Divilacan, Gamu, Maconacon, Naguilian, Mallig)
  2. Apayao
  3. Silangang bahagi ng Ilocos Norte (Piddig, Bangui, Vintar, Marcos, Pagudpud, Banna, Adams, Carasi, Dingras, Solsona, Dumalneg, Nueva Era)
  4. Hilagang bahagi ng Kalinga (City of Tabuk, Balbalan, Pinukpuk, Rizal)
  5. Hilagang-silangang bahagi ng Abra (Tineg, Lacub, Malibcong)
  6. Cagayan kabilang na ang Babuyan Islands

“Minor to moderate impacts caused by gale-force winds remain possible within the areas where Wind Signal No. 2 is hoisted. Minimal to minor impacts from strong winds (i.e., strong breeze to near gale strength) are also possible within any of the areas where Wind Signal No.1 is currently in effect,” anang PAGASA.

Ayon sa PAGASA, posibleng patuloy na hihina ang bagyo sa susunod na limang araw dahil sa mas malamig na tubig sa karagatan, pagpasok ng tuyong hangin, at pagtaas ng vertical wind shear.

“BETTY may be downgraded into a severe tropical storm on late Thursday or early Friday and into a tropical storm on late Friday or early Saturday. However, given the extent of the effect of dry air intrusion on the typhoon, a faster weakening rate within the forecast period is not ruled out,” anang PAGASA.

Maaari umanong lumabas ang Typhoon Betty sa Philippine area of responsibility sa Huwebes, Hunyo 1, o Biyernes, Hunyo 2.