Natanong daw ng Philippine Entertainment Portal o PEP ang Kapuso actor na si Paolo Contis kung ano ang reaksiyon niya sa balita mismo ng dating partner na si LJ Reyes, na engaged na siya sa non-showbiz boyfriend na nakilalang si Philip Evangelista.

Ayon sa ulat, "No comment" daw ang sagot ng aktor, na abala sa taping ng kaniyang bagong proyekto.

Matatandaang noong Agosto 2021 ay kinumpirma ni LJ na hiwalay na sila ni Paolo at nag-migrate na sa New York kasama ang anak nila ni Paulo Avelino na si Aki, at anak nila ni Paolo na si Summer.

Matapos nito, umugong naman ang ugnayan sa pagitan nina Paolo at katambal na si Yen Santos, matapos nilang gawin ang "A Faraway Land" na mapapanood sa Netflix.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Nitong 2023 ay umamin na si Paolo sa tunay na estado ng relasyon nila ni Yen, na nag-level up na bilang "as a friend."

MAKI-BALITA: Paolo Contis, inaming dyowa na si Yen Santos, pero di raw dahilan ng hiwalayan nila ni LJ Reyes

Tahimik lamang si LJ hanggang sa ngayong Mayo 30 ay bumulaga na nga ang posts niya, na engaged na siya kay Philip.

"For I know the plans I have for you,” says the Lord. “They are plans for good and not for disaster, to give you a future and a hope. Jeremiah‬ ‭29‬:‭11‬ ‭NLT," caption ni LJ mula sa isang bible verse.

Biro pa ng mga netizen, tila nalilinya si LJ sa mga lalaking may letrang "P" sa pangalan.

MAKI-BALITA: LJ Reyes, engaged na!