Makalipas ang ilang araw matapos ang pag-flex ng pagpapakasal noon pang Marso, nag-post ang mister ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach na si Jeremy Jauncey ng appreciation post para sa beauty queen misis at ngayon ay reyna ng buhay niya.

Ibinahagi ni Jeremy sa kaniyang Instagram post ang ilang kuhang litrato mula sa kanilang tahimik na wedding ceremony na limitado lamang ang mga dumalo.

"Love, support and happiness is all we’ve received since we shared our wedding news- so thank you to all the friends, family and people we haven’t met yet that have been so kind 🙏," ani Jeremy.

Para kay Jeremy, best decision ang pagpapakasal nila ni Pia.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

"We did things differently, just for us, away from stress so we could relax and be present for the moment. Two months into married life and we’re sure it was the best decision we ever made," aniya pa.

Batay sa mga netizen ang suportado naman nila ang ginawa ng mag-asawa. Sa isang kasal daw, ang pinakaimportante lang naman ay ang groom at bride.

Hindi nga inasahan ng lahat ang balitang kasal na sina Pia at Jeremy, lalo na't sa Pilipinas, inaabangan talaga ang mga ganitong life event sa buhay ng celebrities, lalo na si Pia na isang Miss Universe.

Batay sa kanilang social media posts, noon pang Marso 23, 2023 ikinasal ang dalawa sa isang luxurious resort sa North Island of Seychelles.

Ito na yata ang isa sa mga napaka-pribado at napaka-intimate na kasal ng isang celebrity couple dahil nito lamang Mayo bumulaga ang balita.

Sa katunayan, tatlo lang ang dumalo sa kanilang kasal: ang kanilang kaibigang videographer na si Michael Gray, ang partner nitong si Georgia Ma, at ang events photographer na si Nelwin Uy ng Team Pat Dy bilang opisyal na photographer na siyang pumitik ng momentous shots para sa mag-asawa.

Ang kumpirmasyon ng intimate wedding ay saka lamang flinex ni Pia noong Mayo 5.

MAKI-BALITA: Power couple Pia Wurtzbach, Jeremy Jauncey, kasal na!