Niyanig ng magnitude 4.3 na lindol ang probinsya ng Occidental Mindoro nitong Martes ng umaga, Mayo 30, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan bandang 9:04 ng umaga.

Namataan ang epicenter nito 13 kilometro ang layo sa hilagang-kanluran ng  Abra De Ilog, Occidental Mindoro, na may lalim na 50 kilometro.

Naramdaman ang Intensity III sa Abra de Ilog, Occidental Mindoro habang Intensity II sa Paluan, Occidental Mindoro; Puerto Galera, San Teodoro, at Baco, Oriental Mindoro; Calatagan, Tingloy, at Balayan, Batangas.

Itinaas naman sa Intensity I ang Mamburao, Occidental Mindoro; City of Calapan, Oriental Mindoro; Batangas City, Bauan, City of Calaca, Mabini, San Pascual, San Luis, Lemery, at Lian, Batangas.

Naitala naman ang instrumental intensities sa mga sumusunod na lugar:

Intensity II - Puerto Galera, Oriental Mindoro; Calatagan, Batangas

Intensity I - City of Tagaytay, Cavite; Bauan, Batangas

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.

Hindi rin umano inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.