Tila may pasaring si Lolit Solis kay Willie Revillame matapos ang bali-balitang hindi umano nagkasundo sa porsyento ng komisyon ang huli at ang VIVA. 

Matatandaang hindi na raw tuloy ang pirmahan ng kontrata nina Revillame at pamunuan ng VIVA ni Bossing Vic Del Rosario, ayon sa source ni Cristy Fermin, na napag-usapan nila ng co-hosts na sina Romel Chika at Wendell Alvarez sa kanilang show-oriented ">vlog na “Showbiz Now Na (SNN).”

“Hindi na matutuloy,” ani Cristy.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

“Pati pagpirma niya ng kontrata sa VIVA, hindi natuloy. Ang kwento ng aking source, nag-meeting na raw si Boss Vic Del Rosario at si Willie Revillame. Nagkasundo na na kukuha ng 20% ang VIVA sa lahat ng kikitain ng konsyerto ni Willie. So okay, okay na raw wala nang problema.”

“Maya-maya raw, pagkatapos ng ilang araw, meron na naman daw kakaltasin na 20%. ‘Yung booking saka ‘yung finder’s fee. EH di 40% na. Ikaw si Willie, kukuha ang VIVA ng 40%, papayag ka?” tanong ni Cristy kay Wendell.

Sa isang Instagram post ni Lolit nitong Lunes, Mayo 29, tila pinasaringan nito si Revillame dahil sa hindi nito pagtuloy sa VIVA.

"Nakakatawa iyon issue ng hindi pagkatuloy ni Willie Revillame sa tour ng Viva , Salve. Dahil daw sa laki ng komisyon kukunin ng Viva kaya umatras si Revillame. Para naman dahil lang duon aatras ka na eh balita na marami kang pera at dapat barya na lang ang tingin mo sa TF na makukuha mo," anang batikang showbiz columnist.

Alam daw aniya ng nasabing kompanya ang mga dapat at hindi dapat pagdating sa mga usapin sa talent fee. 

"Malaking kumpanya ang Viva Production, alam nito ang dapat at hindi dapat pagdating sa usapan ng talent fee. Matagal na silang nagdadala ng mga celebrities sa abroad. Malaki ang nagagastos nila sa promotion para maging successful ang mga concert na ginagawa nila duon," dagdag pa niya.

Sinabi ni Lolit na lahat daw ng bagay ay may reklamo raw ang Wowowin host. Kaya ang tawag daw ng ilan dito ay "Willie Reklamo."

"Ngayon lang nagkaruon ng isang star na nag reklamo tungkol sa komisyon. Katawa talaga si Willie Revillame. Lahat ng bagay meron siyang complaints. Meron siyang reklamo. Kaya ang tawag ng ilan sa kanya Willie Reklamo. Dahil konting bagay meron siyang nakikita," pasaring nito.

Hindi rin aniya kawalan si Revillame sa VIVA dahil marami raw hawak ang kompanya na mas sikat na mga artista.

"Imagine mo, baka itong concert na ito pa sana ang makatulong para mabalik ang wala na niyang ningning na career, bulilyaso pa. Hindi kawalan sa Viva ang pag atras niya. Ang daming artists ng Viva ang mas sikat pa kesa kay Willie Revillame noh, mas bongga at baka mas kumita pa ang concert di ba Salve at Gorgy," sey ni Manay.

screengrab mula sa IG ni Lolit Solis

Matatandaang una nang napabalitang ang VIVA Entertainment na raw ang hahawak sana sa career ni Revillame na dating siya lamang ang gumagawa. Magkakaroon daw ng concerts sana abroad si Revillame na pamamahalaan nga ng kompanya ni Bossing Vic.